LizQuen Balik Tambalan sa "Alone Together" ng Black Sheep

This gonna be the biggest Valentines Day movie this year bringing one of the hottest loveteams in the country!

Sa mga fans ng LizQuen, Ito na ang pinaka aabangan niyong muling  pag sasama nina Enrique at Liza sa  pinaka bago at pinag handaang pelekula ng taon. Halos dalawang taon din ang naka lipas, ng huling  mapanood ang lizquen sa mga Sinehan. So finally ito na nga. At sa Araw pa ng mga Puso niyo ito mapapanood.




Ang "Alone Together" ay kwento ng kay Christine Lazaro (Liza Soberano), isang UP student na nangarap maging museum director. At nang makilala ni Christine si Rafael Teledo (Enrique Gil) isang pre-med student, nag karoon ng koneksyon ang dalawa na nauwi sa kanilang pag iibigan. 

Tatayong cheerleader ni Christine sa kanyang laban papunta sa pangarap at si Christine naman ay ang mag sisilbing gabay ni Raf upa ng magkaroon siya ng direksyon sa buhay. Nang mag lihis ang kanilang mga landas sa buhay, nag desisyon si Christine na iwan na si Raf.

Matapos ang ilang taon, marami na ang nag bago sa kanilang dalawa. Sa kanilang muling pagtatagpo, mamumuo sa dalawa ng kanilang dating pagkakaibigan. Ito rin ang mag sisilbing gabay sa kanilang dalawa upang manumbalik ang kanilang pag-iibigan.

Sa "Alone Together" gusto ng Black sheep na maibigay ng kakaibang side ng LizQuen na sana ay maging yapak para sa kanilang pag pasok sa mature roles sa isang kwentong hindi malilimutan ng mga manonood. Kinunan ang mga ibang eksena ng pelikula sa New York City, tampok ang ilang mga sikat na lugar tulad ng The Metropolitan Museum of Art at ang Central Park. 

Tampok din sa pelikula ang bagong bersyon ng classic Rivermaya song na 241 na kinanta ni JM de Guzman. Maririnig din sa soundtrack ng pelikula ang mga kantang mula sa Eraserheads at isang bagong kanta mula kay Armi Millare ng UP Dharma down.

Kaya naman po sa darating ng mga araw ng puso, samahan po nating ang Lizquen sa kanilang pinaka bagong pelikula.sa panulat at pag direck ni Direk Antonette Jadone. Showing na this February 13, 2019. 02/09/2019 (Sa Panulat ni Jamil Macapantao)

Yam macapantao

No comments:

Post a Comment

Instagram